Image courtesy of Google Images |
Isa sa mga sikat na larong napapanood sa telebisyon ang
Pinoy Henyo, na kung saan ay huhulaan ng isang manlalaro ang salitang naka-flash sa LED na nakakabit sa kanyang ulo. Magtatanong ang nauna sa kanyang
kakampi ng iba’t-ibang katanungan o salitang aangkop o tutugma sa salitang
pinapahulaan. Ang salita ay pwedeng pangngalan na sumisimbulo sa isang tao,
bagay, lugar, o hayop. 'Oo', 'Hindi', at 'Pwede', lamang ang pwedeng isagot ng kasama sa tanong na bibitawan ng kanyang kakampi.
Marahil
ay nagtataka kayo kung bakit ito ang napili kong titulo para sa lathalaing ito.
Kung ating titignan sa isang mababaw na perspektibo, marahil ay wala itong
saysay basahin o pakinggan. Ngunit kung titignan natin ito sa isang anggulo na
kung saan ay pwede nating ihalintulad at ikonekta sa estado at kalagayan ng biodiversity dito sa Pilipinas, marahil
ay makukuha ninyo ang ibig kong ipakahulugan sa titulong nakasaad sa itaas ng blog na ito.
Philippine Marine Biodiversity Image courtesy of Google Images |
Kilala
ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakasaganang likas na yaman sa
buong mundo. Magmula sa mga iba’t-ibang uri ng mga halaman at punong sadyang sa
Pilipinas lamang matatagpuan (halintulad nalang ng Rafflesia), at mga hayop at insekto na endemic sa ating arkipelago (tulad ng Pilandok o Mouse-deer, Tamaraw, Pandaca Pygmaea, Pawikan, Butanding, Philippine Eagle, atbp.), ang Pilipinas
ay natural na mayaman at maunlad pagdating sa usaping Biodiversity.
Image courtesy of Google Images |
Subalit
gaya nga ng pahayag ng isang salawikain, walang permanente sa mundo. Ang lahat
ng bagay ay nagbabago… nauubos… naglalaho. Sa mga kagawiang ipinapakita at
ginagawa natin sa kasalukuyan, tulad ng walang habas na pagmimina, pagpuputol
ng mga puno, pag-ubos at pag-abuso sa mga buhay ng mga hayop at iba pang likas
na yaman, ang sinasabi nating kasaganahan ng bansang Pilipinas sa likas na
yaman ay maaring humantong na lamang sa isang matandang paniniwala. Na minsan
ay nagkatotoo, ngunit sa bandang huli ay naging isa na lamang alamat.
Ikaw,
bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang pwede mong gawin para sa kaligtasan ng ating likas na yaman? Sapat na ba ang blog
na ito para maimulat ang iyong mga mata sa nakakarimarim na katotohanang
maaaring maging isang bangungot sa kinabukasan ng ating bayan? Hindi ngayon ang
tamang panahon para sa salawikaing “To
see is to believe”! Huwag nang hantaying makita natin sa ating mga mata
mismo ang malagim na epekto n gating kapabayaan sa kasalukuyan. Huwag nating
hintaying isagot ang katagang “DATI” kung halimbawang isa sa mga nabanggit na
nanganganib nang mawalang likas na yaman ang siyang pinahulaan sa atin sa
larong Pinoy Henyo.
Image courtesy of Google Images |
Kilos na tayo para sa ikaliligtas
ng ating mga likas na yaman. Hindi bukas. Hindi sa susunod na taon. NGAYON.
By: Jaybee T. Domingo